IQNA

Ang Lalaki ay Nahaharap sa Paglitis Dahil sa Pag-uudyok ng Poot Laban sa mga Muslim sa Pamamagitan ng Pagsunog ng Qur’an

11:34 - September 30, 2023
News ID: 3006085
STOCKHOLM (IQNA) – Isang 27-anyos na lalaki ang inakusahan ng pag-uudyok ng poot laban sa mga Muslim sa pamamagitan ng pagsunog ng kopya ng Qur’an at iniwan ito sa labas ng isang moske sa Linköping, Sweden, tatlong mga taon na ang nakararaan.

Siya ay nilitis noong Huwebes sa isang korte sa lungsod, ayon sa Radyo Sweden.

Ginawa umano ng lalaki ang gawaing paglapastangan sa Qur’an noong Setyembre 11, 2020, sa isang lihim na pagkilos sa labas ng katedral sa kalagitnaan ng gabi. Nagpakita rin siya ng isang teksto na nang-insulto kay Propeta Muhammad (SKNK).

Nagtala siya ng video ng kanyang ginawa at ibinahagi ito sa onlayn gamit ang isang kanta na ginamit ng mga puwersang Serbiano noong digmaan sa dating Yugoslavia at ng isang terorista na pumatay ng 51 katao sa isang moske sa Christchurch, New Zealand, noong 2019.

Sinabi ng tagausig na ang pagsunog sa Qur’an mismo ay hindi isang krimen sa Sweden dahil ito ay protektado ng kalayaan sa pagpapahayag. Gayunpaman, nangatuwiran siya na ang lalaki ay walang permiso mula sa pulisya na magsagawa ng isang demonstrasyon at ginamit niya ang kanta at teksto upang ipahayag ang galit laban sa mga Muslim. Sinabi niya na ang pagpapatunay sa krimen ay nagsasangkot ng mga kumplikadong legal na mga isyu at mayroon silang katibayan na sumusuporta sa kanilang kaso.

  • Binatikos ni Papa Francis ang mga Awtorisasyon para sa Pagsunog ng Qur’an

Itinanggi ng lalaki ang mga paratang at sinasabing wala siyang partikular na pananaw tungkol sa mga Muslim.

Dumating ang paglilitis habang ang Sweden ay nasa ilalim ng matinding batikos sa pagpapahintulot sa ekstremistang mga elemento na salakayin ang mga kabanalang Islamiko sa ilalim ng pagkukunwari ng kalayaan sa pagpapahayag sa nakalipas na ilang mga buwan. Ang mga bansang Muslim at pati na rin ang pandaigdigan na organisasyon ay hinimok ang Stockholm na suriin ang mga batas nito at pigilan ang mga katulad na gawain na nakakainsulto sa paniniwala ng dalawang bilyong mga Muslim sa buong mundo.

 

3485354

captcha